![](https://static.wixstatic.com/media/41c1e7_e7a695d0a5634b6392a49c42e37705c0~mv2.png/v1/fill/w_419,h_490,al_c,q_85,enc_avif,quality_auto/41c1e7_e7a695d0a5634b6392a49c42e37705c0~mv2.png)
Gaano katutoo ang balita na si Cory Quirino na ang magiging president ng Mutya ng Pilipinas beauty contest?
Malakas ang ugong-ugong sa pageant world na tinanggap na raw ni Quirino, chairman ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), ang position ng presidente ng Mutya ng Pilipinas pero ayaw pa niyang mag-komento tungkol dito.
Matatandaang halos tatlong buwan ng bakante ang position ng Mutya ng Pilipinas presidency matapos mag-resign si Hemilyn Escudero Tamayo sa naturang organization.
Ito na ang pangalawang national beauty contest na pangungunahan ni Quirino sakaling babalik nga siya sa pageant scene. Noong franchise holder pa si Quirino ng Miss World Philppines (MWP), siya ang nagpadala kay Megan Lynne Young sa Miss World 2013 beauty contest sa Bali, Indonesia kung saan nasungkit niya ang unang korona para sa Pilipinas.
Noong January 2017, nagbitiw si Quirino bilang national director ng MWP. Sa ngayon, ang talent manager na si Arnold Vegafria ang MWP national director.
Si Quirino, 65, ay apo ni former Philippine President Elpidio Quirino. Bukod sa VACC at charity works, abala rin siya bilang host ng lifestyle show na "Ma-Beauty Po Naman" na mapapanood sa ABS CBN tele-radyo tuwing Linggo.
Kung si Quirino nga ang magiging presidente ng Mutya ng Pilipinas, siya ang pangatlong babae na hepe na uupo sa nasabing organization. Bago kay Escudero, ang kauna-unahang babaeng presidente ng "Mutya" ay si Jacqueline Tan, na ngayon ay president na ng Miss Asia Pacific International pageant.
Comments