top of page

Sen. Cynthia Villar, marami pang gustong gawin kahit may bilyones na

Writer's picture: Bobby RequintinaBobby Requintina


Si former Senator Manny Villar ang pinakamayang Pilipino ngayong 2019 ayon sa bagong listahan na inilabas ng Forbes Magazine.


Si Mr. Villar ay real estate tycoon na may netong U$5.5 billion. Ito ang unang pagkakataon na ang pinakamayang Pilipino ay isang pure Pinoy. Sa listahan naman ng mga pinakamayamang tao sa buong mundo, si Mr. Villar ngayon ay nasa No. 317.


Si Sen. Cynthia Villar na tumatakbo ngayon sa pagka-Senador ay ang asawa ni Mr. Villar. Kung tutuusin, pwede na silang humiga sa salapi dala ng kanilang sipag at tiyaga pero mas pinili pa rin nila ang tumulong sa mga kababayan.


Nang tanungin kung may mahihiling pa ba ang pamilya niya bukod sa mga biyayang galing sa taas, sabi ni Mrs. Hanepbuhay: "Kami ay nagpapasalamat sa Diyos sa mga biyayang binigay sa amin. Makakaasa kayo na dahil mabait naman sa amin ang Diyos, magsisilbi kami ng tama sa ating mga kababayan."



16 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


© 2023 by NOMAD ON THE ROAD. Proudly created with Wix.com

  • b-facebook
  • Twitter Round
  • Instagram Black Round

Join our mailing list

Never miss an update

bottom of page