![](https://static.wixstatic.com/media/41c1e7_2cd84b5b3b4445c4b6f7d7ff9c452072~mv2.jpg/v1/fill/w_400,h_400,al_c,q_80,enc_avif,quality_auto/41c1e7_2cd84b5b3b4445c4b6f7d7ff9c452072~mv2.jpg)
Muling sinariwa ng pop superstar na si Madonna ang intrigang dinulot ng kanyang music video ng No. 1 song na "Like A Prayer.''
Sakto 30 years ngayong March 5 nang inilabas ang controversial na video ni Madonna at talaga namang pinag-usapan ito sa buong mundo. Nariyang tinawag siyang satanista dahil sa pag-gamit niya ng mga umaapoy na krus habang siya ay sumasayaw sa kanyang music video.
Sabi ni Madonna sa kanyang Instagram: "30 years ago today I released Like a Prayer and made a video that caused so much controversy because I kissed a black saint and danced in front of burning crosses! I also made a commercial with PEPSI that was banned because my video was seen as inappropriate. 🔥🔥🔥Happy Birthday to Me and Controversy! #likeaprayer 🙏🏼 meant to post this yesterday but was blocked! 😂 what a shocker!"
Hozzászólások