![](https://static.wixstatic.com/media/41c1e7_a749fb2102d94683a4c82edafffe77c7~mv2.jpg/v1/fill/w_720,h_960,al_c,q_85,enc_avif,quality_auto/41c1e7_a749fb2102d94683a4c82edafffe77c7~mv2.jpg)
Kumakalat ngayon sa social media ang ilang pictures na diumano'y kuha sa taping ng "Gandang Gabi Vice" sa ABS CBN noong March 12 kung saan makikitang magkayakap ang ace comedian na si Vice Ganda at Kuya Escort Ion Perez.
Ito ay kuha ni Raylan Culis ng Star Magic at may caption na: "GGV LAST NIGHT TAPING. NAKAKAIYAK NA NAKAKA KILIG šš ANG PAG AMIN NI ION AT NI VICE GANDA SA KANILANG RELASYON."
![](https://static.wixstatic.com/media/41c1e7_ba0f4660d5524f54aac1868dfbaf7ca4~mv2.jpg/v1/fill/w_720,h_960,al_c,q_85,enc_avif,quality_auto/41c1e7_ba0f4660d5524f54aac1868dfbaf7ca4~mv2.jpg)
Noon pa kinakantyawan sila Vice at Ion ng mga co-host nila tungkol sa relasyon nila sa kanilang Kapamilya noontime program na "It's Showtime" pero tinatawan lamang nila ito.
Si Ion ay dating male pageant winner na ngayon ay unti-unti ng nakikilala sa show business.
Sa mga oras na ito, wala pang reaksyon mula kay Ion at Vice tungkol sa mga naglabasang pictures sa social media.
Comentarios